app

10– Katotohanang Ang Allâh Ay Dalisay

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: ”إنَّ اللهَ طَيِّبٌ لَا يَقْبَلُ إلَّا طَيِّبًا، وَإِنَّ اللهَ أَمَرَ الْمُؤْمِنِينَ بِمَا أَمَرَ بِهِ الْمُرْسَلِينَ، فَقَالَ: }يَا أَيُّهَا الرُّسُلُ كُلُوا مِنْ الطَّيِّبَاتِ وَاعْمَلُوا صَالِحًا{ وَقَالَ: }يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُلُوا مِنْ طَيِّبَاتِ مَا رَزَقْنَاكُمْ{ ثُمَّ ذَكَرَ الرَّجُلَ يُطِيلُ السَّفَرَ أَشْعَثَ أَغْبَرَ يَمُدُّ يَدَيْهِ إلَى السَّمَاءِ: يَا رَبّ! يَا رَبّ! وَمَطْعَمُهُ حَرَامٌ، وَمَشْرَبُهُ حَرَامٌ، وَمَلْبَسُهُ حَرَامٌ، وَغُذِيَ بِالْحَرَامِ، فَأَنَّى يُسْتَجَابُ لِذَلِكَ؟!.“ رَوَاهُ مُسْلِمٌ1015

Ayon kay Abū Hurayrah (kalugdan siya ng Allâh) kanyang sinabi: Sinabi ng Sugo ng Allâh (SAW): “Katotohanang ang Allâh ay dalisay (malayo sa anumang kakulangan o kapintasan) at hindi tumatanggap maliban lamang kung ito ay dalisay (may katapatan at kalinisan), at katotohanang ipinag-utos ng Allâh sa mga mananampalataya ang anumang Kanyang ipinag-utos sa mga Sugo, kaya sinabi Niya:

{O kayong mga Sugo! Kumain kayo mula sa mga mabubuting pagkain (mga ipinahihintulot) at gumawa kayo ng kabutihan} (23:51). At sinabi Niya:

{O kayong mga nananampalataya! Kumain kayo mula sa mga mabubuting pagkain (mga ipinahihintulot) na Aming ipinagkaloob sa inyo bilang inyong kabuhayan} (2:172).

Pagkatapos ay kanyang binangggit ang isang lalaking manlalakbay ng mahaba, gusot ang buhok at maalikabok na nakaunat ang kanyang dalawang kamay sa langit: O aking Panginoon! O aking Panginoon! Samantalang ang kanyang pagkain ay ipinagbabawal, at ang kanyang inumin ay ipinagbabawal, at ang kanyang damit ay ipinagbabawa, at siya ay namuhay (lumaki) sa ipinagbabawal, kaya paano ito diringgin?!.” Iniulat ni Muslim (1015).

1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 2.00 out of 5)
Loading...

Leave a Reply